AMY PEREZ copy

MARAMI ang nag-akala na tuluyan nang hindi makababawi ang It’s Showtime, pero nagkamali sila. Dahil araw-araw nang mataas ang ratings ng pangtahaling programa ng ABS-CBN.

Ayon kay Ms. Amy Perez, ang isa sa mga bagong hosts na idinagdag sa programa, labis-labis ang pasasalamat nila sa televiewers na nagbalik suporta sa programa.

“We’re very, very happy and thankful for that kasi talagang natutuwa kami na tinatangkilik pa rin ng ma tao ‘yung kung ano ‘yung gusto naming ginagawa at kung saan kami nag-i-enjoy,” sey ni Tiyang Amy.

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

Gusto lang naman daw nilang mapasaya ang mga tao at patuloy na mag-enjoy habang kumakain ng pananghalian.

“Sa It’s Showtime, we’re just very happy entertaining people and masaya na rin kami na natutuwang nakakapag-share kami ng happiness sa ibang tao kasi ‘yun ‘yung importante na nakikita ng mga tao, ‘yung tunay na kaligayahan na nararamdaman namin, lumulusot ‘yun sa mga TV ng bawat isa sa inyo,” sey pa ni Amy.

Hindi maipaliwanag ni Amy ang naramdaman niya ngayong nabigyan uli siya ng pagkakataon na maging host ng noontime show. Matagal-tagal na rin naman daw niyang nami-miss ang pagho-host ng noontime show.

“Siyempre, sobrang pasasalamat ako sa ABS-CBN management for giving me that opportunity and of course sa madlang pipol at sa lahat ng mga sumusuporta at nagmahal ng Showtime. Kumbaga, imagine, after a decade, heto na naman ako isa sa mga host ng noontime show na hindi ko naman naisip na makakabalik ako dito na sobrang nagpapasalamat ako sa kanilang lahat,” lahad pa ng isa pa rin sa mga alaga ng Backroom, Inc. ni Boy Abunda.

Kamusta naman ang working relationship niya sa mga nadatnan niyang original hosts ng nasabing show?

“Well, okay lang. Nakakatuwa lang kasi ako naman, eh, inaaral ko naman lahat sila, lahat ng personality nila and how I should deal with them and alam mo ‘yung dahil sa ako, eh, medyo beterana na, aminin naman natin, kaya parang Tiyang Amy ang tawag nilang lahat sa akin.

“So, parang ‘yung ‘pag meron akong sinasabi o ‘sina-suggest para sa show, eh, nandoon sila agad, na sinunod naman nila agad dahil nga parang Tiyang Amy na nga ako. So, okay lang,” pahayag ng isa pa rin sa hosts ng Umagang Kay Ganda.

Samantala, marami ang nagsasabi na isa sa mga dahilan ng muling pagtaas ng ratings ng It’s Showtime si Amy Perez.

(JIMI ESCALA)