Angel & Luis copy

MARIING itinanggi ni Angel Locsin na namanhikan ang kanyang boyfriend na si Luis Manzano.

Kumalat kasi ang balita na iyon daw ang naganap nang magkasama-sama ang pamilya ni Angel at ang family naman nina Sen. Ralph Recto at Gov. Vilma Santos nu’ng kapaskuhan.

May pictures pa kasi ang daddy ni Angel kasama sina Ate Vi at Sen. Recto na lumabas sa Instagram na may hastag na #familymeetsfamily.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Pero paliwanag agad ni Angel through Luis Manzano, matagal na kasi nilang napag-usapan na gusto nilang magkita ang kani-kanilang pamilya.

“Well, nagpapasalamat pa nga ako doon sa opportunity dahil sobrang saya ang pakiramdam ko,” sey pa ni Angel.

Kuwento naman ni Luis, hangang-hanga si Gov. Vi sa daddy ni Angel na napansin din ni Sen. Recto ang pagiging makatao at malalim na kaalaman sa pulitika man o sa simpleng buhay.

Ipinagmalaki ni Luis na magkasundung-magkasundo ang mommy niya at si Angel, na magkasama sa pelikulang Everything About Her na ipapalabas na sa January 27.

Gandang-ganda si Luis sa naglalabasang publicity pictures and videos ng nasabing pelikula.

Samantala,inaamin ni Luis na marami silang fans ni Angel na umaasang ang dalaga pa rin ang gaganap bilang Darna kahit may press releases nang naglabasan na may bago nang gaganap sa sikat na Mars Ravelo novel.

Alam ni Luis kung gaano kaimportante ang nasabing project kay Angel mismo. Kung si Angel pa rin daw ang mapipili para gumanap sa Darna, natitiyak ni Luis na matutuwa ang kasintahan. (JIMI ESCALA)