Patay ang anim na katao nang maipit sa loob ng kanilang sasakyang natupok ng apoy matapos sumalpok sa isang concrete barrier sa Tagaytay-Calamba Road sa Barangay San Jose, Tagaytay City kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ni Supt. Ferdinand Ricafrente Quirante, hepe ng Tagaytay City Police, ang isa sa mga nasawi na si Ronalyn Bautista, 17, na nakilala sa pamamagitan ng identification card na nakuha mula sa bangkay nito.

Base sa testimonya ng mga testigo, sinabi ni Quirante na humahataw ang Toyota Vios sedan na sinasakyan ng mga biktima nang mawalan ng kontrol ang driver ng sasakyan hanggang sumalpok ito sa isang concrete barrier at isang puno, tsaka sumabog at nagliyab.

Ayon sa pulisya, tatlo sa mga namatay ay lalaki.

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

Dinala ang mga sunog na bangkay sa isang punerarya sa Silang upang sumailalim sa awtopsiya. - Anthony Giron