pauleen at vic copy

NAGING malapit kami sa ina ni Pauleen Luna na si Mommy Chat. Katunayan, madalas namin isulat si Pauleen noon dahil sa kanyang ina. Kung ilang beses naming napapunta si Pauleen sa barangay namin sa Tondo, tuwing pista at pati na rin sa kampanya namin noong pasukin namin ang mundo ng pulitika.

Kung ilang beses din naman kaming naimbitahan sa bahay nila kaya saksi kami sa ginagawang pag-aalaga ni Mommy Chat kay Pauleen.

Tandang-tanda pa namin na binanggit noon ng ina ni Pauleen na kung sakaling dumating ang panahon na mag-asawa ang anak niya ay baka hindi niya basta-basta matatanggap, lalung-lalo na kung hindi niya gusto ang mapangasawa ng anak.

Trending

Co-founder ng Lola Nena’s nagsalita sa isyu ng ‘working lunch’ video

Kaya nang makarating sa amin ang isyu na kesyo hindi raw masaya si Mommy Chat sa kasalang Vic Sotto at Pauleen ay nagpadala kami ng text message sa kanya. Pero sa kung ilang beses naming pagpapadala ng text ay wala kaming ni isang natanggap na kasagutan mula sa kanya.

Pero may nakausap kaming malapit na kamag-anak ni Pauleen at kinumpirma nito na totoo raw na hindi masaya si Mommy Chat sa nalalapit na kasalan. May mga kundisyon daw kasi ang pamilya ni Pauleen na hindi sinunod ni Bossing Vic.

“Sa totoo lang, eh, si Pauleen lang naman ang masayang-masaya, eh. Pero alam niya ang naramdaman ng pamilya niya,” sey pa ng kausap namin.

Dagdag pa ng source namin, kahit ganoon daw ang naramdaman ng pamilya ni Pauleen ay full force naman silang darating lahat sa kasalan na hanggang ngayon ay sekreto pa rin sa publiko at ang nasa inner circle lang ng mga ikakasal ang nakakaalam kung kailan magaganap. (Jimi Escala)