Matapos ipakilala ang makabagong teknolohiya na video challenge system, pinag-iisipan ngayon ng Philippine Super Liga (PSL) kung idadagdag nito ang isa pang makabagong inobasyon sa komunidad ng volleyball na paglalagay ng Light Emitting Diode (LED) Technology sa pagsambulat ng ang 2016 edition

“We try to innovate every year,” sabi lamang ni PSL President Ramon “Tatz” Suzara. “After introducing the video challenge last year, we are looking at introducing also the LED on the net, but we had to study more for marketing purposes and kung TV or media friendly,” sabi pa ni Suzara.

Ang LED Technology ang kasalukuyang sinusubukan ngayon ng internasyonal na asosasyong FIVB o Federation International des Volleyball matapos na maglabas ng bagong regulasyon at maghigpit sa mga manlalaro na madikit sa alinman na parte ng net.

Ipinaliwanag ni Suzara na pinag-aaralan nila ng husto kung agad na idadagdag ang bagong teknolohiya sa unang kumperensiya ng PSL na sisimulan nito sa isasagawang Invitationals sa Pebrero 12 pati na rin sa inaabangan na All-Flipino Conference at ang import-reinforced na Grand Prix.

May nandura? Komosyon sa pagitan ng UP, La Salle coaches, lumala!

“We had lots of announcement in the next few weeks,” sabi ni Suzara. “We will just finish the BADESA Cup or iyung liga natin para sa mga aminadong ibang gender and then we will start seriously our program for the whole year. All other information will be announced next week or before February 12,” sabi nito. (Angie Oredo)