NAGSIMULA ngayong linggo ang mas maagang timeslot ng Little Nanay, 7:45 PM., pagkatapos agad ng 24 Oras. Natutuwa ang mga magulang ng mga batang fans ng light drama series dahil hindi mapupuyat ang kanilang mga anak sa paghihintay para mapanood ito.

May younger viewers kasi na ayaw matulog hangga’t hindi napapanood ang Little Nanay dahil nasanayan na nila at gustong masubaybayan ang nangyayari kina Tinay (Kris Bernal), Chiechie (Claui Maglayao) at iba pang mga karakter ng teleserye.

Bilang pagpupugay kay Kuya Germs, may ipinost si Kris Bernal sa Instagram (IG) at ang sabi niya: “I love you Tatay!

I truly appreciate and value everything that I have learned from you. The knowledge and wisdom you’ve shared to me has been a great help and support throughout my career. Thank you for touching my heart! The hearts of many! I really look up to you because despite of your success and stature, you’re a reachable star. ‘Yan po ang lagi mo po sinasabi sa akin na sekreto ng isang star, maging mapagpakumbaba. You will forever live in my heart. Rest in peace, our dear Kuya Germs.”

Tsika at Intriga

Nadia Montenegro sa paglaya ni Ricardo Cepeda: 'Finally, an innocent man is free!'

Samantala, nagugustuhan ng viewers ang light treatment sa Little Nanay, maiiyak ka pero bawi agad dahil ang next scene ay matatawa ka naman at ma-i-in love pa. Walang sapawan ang eksena kahit mahuhusay na artista ang magkakasama sa serye. (NITZ MIRALLES)