alyssa valdez photo copy

Muling bibigyan ng parangal ng Spin.ph ang mga sportsmen at women na nagtala ng matinding impact sa loob at labas ng daigdig ng palakasan sa kanilang idaraos na ‘awards ‘ceremonies’ sa Enero 21.

Nasa shortlist para sa 2015 Sportsman of the Year award ng nag-iisang sports website ng bansa ang volleyball star na si Alyssa Valdez, Gilas standout Calvin Abueva, sports patron Manny V. Pangilinan, national coach Tab Baldwin, at world boxing champion Donnie ‘Ahas’ Nietes.

Nasa ikatlong taon na nila ngayon , ang Spin.ph Awards Night, na inihahatid ng PLDT Home Ultera sa pagtataguyod ng Milo, ay gaganapin sa Ceramonial Hall ng Marriott Hotel Manila.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Magsisimula ang okasyon ganap na 6:30 ng gabi.

Bukod sa 2015 Sportsman of the Year award, bibigyang parangal din sa pagtitipon ang Top 10 Sports Heroes na nag-iwan ng tatak noong 2015.

“We are once again honoring athletes, coaches, teams and sports patrons who exhibit the true qualities of a sportsman and continue to be an inspiration and source of pride to Filipino fans,” ayon kay Spin.ph editor-in-chief Dodo Catacutan.

Noong nakaraang taon, nahirang na Sportsman of the Year si Gilas Pilipinas playmaker Jimmy Alapag kasunod ng naunang tumanggap ng parangal noong 2013 na si Gilas coach Chot Reyes.