Nina MARY ANN SANTIAGO at BETH CAMIA

Hindi pinalagpas ni Commission on Elections (Comelec) Commissioner Rowena Guanzon ang pagsita sa kanya ni Comelec Chairman Andres Bautista nang magsumite ang lady official ng kanyang komento sa Korte Suprema hinggil sa disqualification case na kinahaharap ni Sen. Grace Poe.

Bagamat ilang beses sinabi ni Guanzon na hindi totoo ang ulat na “in total disarray” ang Comelec, ilang beses naman niyang binatikos si Bautista dahil sa umano’y kakulangan ng kaalaman sa umiiral na batas, lalo na sa patakaran ng Supreme Court.

“Nagtrabaho ang legal team ni Commissioner Guanzon, hanggang madaling araw ng January 7 (deadline ng paghahain ng komento). Ito pa ang gagawin (ni Bautista) to repay us?” tanong ng lady commissioner.

National

Castro sa pag-acquit kina Enrile sa plunder: ‘Sino mananagot sa nawalang pondo ng bayan?’

Napikon si Guanzon matapos maglabas si Bautista ng isang memorandum na nag-aatas sa lady commissioner na magsumite ng “explanation letter” matapos niyang pangunahan ang Comelec en banc sa pagsusumite ng komento sa SC hinggil sa kaso ng diskuwalipikasyon laban kay Poe.

“Trial lawyer ako. Hindi ganyan ang patakaran ng SC. Sino’ng nagsabi sa kanya na puwede kaming mag-file sa January 12 (ng komento sa SC)?” tanong muli ng opisyal.

“I want to respect him. Pero hindi naman sa ganitong paraan,” ani Guanzon.

“He has no power over me. How dare he!” giit ng lady commissioner.

Binatikos din ni Guanzon ang naging epekto ng paglalabas sa media ng memorandum ni Bautista.

“The memorandum, which is now public, has cast a stain on my reputation as a commissioner and as a lawyer,” banat ni Guanzon kay Bautista.