ISULAN, Sultan Kudarat – Kinumpirma ng pulisya ang muling pagsiklab ng kaguluhan at karahasan sa sagupaan ng magkaaway na grupo mula sa Moro Islamic Liberation Front (MILF), na nagbunsod ng paglikas ng 580 pamilya mula sa dalawang barangay na naapektuhan ng paglalaban sa Pikit, North Cotabato.

Sangkot sa rido sina Mokamad Andoy at Ricky Husain, kapwa MILF commander, laban sa grupo ng isa pang opisyal ng MILF na si Buto Mantol.

Nangyari ang labanan sa mga barangay ng Rajahmuda at Talitay sa Pikit.

Ayon sa ulat, agad na nagbigay ng seguridad sa lugar ang mga tauhan ng Philippine Army at Philippine National Police (PNP), kasabay ng pag-ayuda ng pamahalaang bayan ng Pikit sa mga lumikas na residente.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Hanggang sa sinusulat ang balitang ito ay wala pang opisyal na pahayag ang pamunuan ng MILF sa insidente.

Iniulat na matagal nang may alitan ang nabanggit na mga opisyal ng MILF, at pinaniniwalaang ang pamunuan din ng samahan ang makapaghuhupa sa kaguluhan. (LEO P. DIAZ)