MIHO copy

BABALIKAN ni Miho Nishida ang kanyang mga nakaraan bago siya tinanghal na Pinoy Big Brother 737 Big Winner sa kanyang mismong pagganap ngayong gabi sa Maalaala Mo Kaya.

Dahil sa hirap ng buhay, nagtrabaho ang ina ni Miho na si Mercedes sa Japan bilang entertainer. Doon ay dalawang beses nagkamali sa pag-ibig si Mercedes at naging bunga sa ikalawa nitong kasintahan si Miho.

Sa kagustuhang hindi maulit sa anak ang sinapit, naging istriktong ina si Mercedes. Panay ang kayod nito at nawalan ng oras kay Miho. Dito na nagrebelde ang dalaga hanggang mangyari na nga ang kinakatakot ni Mercedes – dahil naging dalagang ina rin ang anak niya.

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

Makakasama ni Miho sa upcoming episode ng MMK sina Andrea del Rosario, Brenna Garcia, Alex Diaz, Niña Jose, Marina Benipayo, Giselle Sanchez, at Tess Antonio, mula sa panulat ni Joan Habana at sa direksiyon ni Elfren Vibar.