Madonna copy

SINGAPORE (AFP) – Hinigpitan ang mga manonood ng Rebel Heart Tour ni Madonna sa Singapore dahil 18 taong gulang pataas lamang ang maaaring manood, ayon sa local coordinator nitong Miyerkules.

Ang one-night-only event sa Pebrero 28, ang unang concert ni Madonna sa nasabing bansa, ay gaganapin sa 55,000-seat National Stadium, ayon sa entertainment firm MediaCorp Vizpro.

“Please note that this concert is rated ‘R18′ with the consumer advisory on ‘Sexual References’. Only those above 18 years of age will be permitted into the venue,” pahayag nito sa pamamagitan ng kanilang Facebook page.

Lifehacks

Feeling tagapagmana ng kompanya? Ilang tips para hindi 'overworked' sa trabaho

Ang mga concert at iba pang uri ng public entertainment ay pribadong pinamumunuan ng Media Development Authority, na nagpapatakbo rin sa film at broadcast industries.

Nailathala sa Straits Times na ang concert ni Madonna sa Singapore ay binubuo ng mga segment tulad ng dancers na nakabihis madre at magpo-pole-dancing sa cross-shaped stripper poles.