JM copy

SA edad na 10 ay crush na crush na ni JM Ibañez si Andrea Brillantes, ang batang kapatid ni Daniel Padilla sa Pangako Sa ‘Yo.

Yes, Bossing DMB, hindi itinanggi ng bagets na crush niya si Andrea na lagi niyang nakakasama dahil magkakaibigan sila ni Gela Atayde na kapatid nina Arjo at Ria Atayde.

“Nagustuhan ko po siya kasi maganda, mabait saka po matangkad,” nahihiyang sabi ni JM.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

 

Alam naman daw ni Andrea na crush niya ito dahil ibinuking ni Gela at okay lang daw sa bagets.

 

Actually, gumagandang bata si Andrea ngayon. Sana lang ay tumangkad pa dahil sa edad na 12 ay medyo maliit ito.

 

Samatanla, thankful sa Viva Films si JM dahil malaki raw ang role niya sa pelikulang Lumayo Ka Nga Sa Akin at nakatrabaho niya sina Maricel Soriano at Quezon City Mayor Herbert Bautista sa episode na “Shake, Shaker, Shakest” na idinirihe ni Andoy Ranay.

 

Nabanggit din ni JM na kumpleto raw ang pelikula nila sa aksiyon, comedy at horror kumpara sa ibang pelikula niya na drama lang o comedy lang.

 

“Ito po ‘yung pinakagusto kong movie ko po kasi kumpleto,” say ni JM.

 

Unang napansin si JM bilang si Chot na anak ni Aiza Seguerra sa seryeng Be Careful With My Heart.

 

Bagamat hindi naman Star Magic talent ay maituturing na isa sa busiest kid in town si JM dahil kaliwa’t kanan ang offers at TVC niya.

 

“Sa commercials po, 36 na po, ‘tapos po ‘yung movies po pang-six na po ito (Lumayo Ka Nga Sa Akin) at sa TV show po, nasa lima na po,” kaswal na kuwento ni JM sa reporters.

 

As of now ay hindi pa alam ni JM kung ano ang next project niya pagkatapos ng Lumayo Ka Nga Sa Akin. (REGGEE BONOAN)