Clarice Patrimonio copy

Magsimula na sa darating na Sabado ang UAAP Season 78 lawn tennis tournament kung saan kapwa ipagtatanggol ng National University ang naitalang unang double championships sa liga sa Rizal Memorial Tennis Center.

Nakatakdang simulan ng Bulldogs ang kanilang title defense kontra Ateneo de Manila sa ikalawang laro ganap na ika-11:00 ng umaga matapos ang unang laro sa pagitan ng University of the East at ng University of the Philippines na magsisimula ng 8:00 ng umaga.

Magtutuos naman para sa ikatlong laro at huling laro sa opening day sa men’s division ang University of Santo Tomas at ang De La Salle University.

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

Kasabay ng mga laro sa men’s division, magsisimula na rin ang aksiyon sa women’s division.

Ngunit ‘di gaya ng kanilang men’s team, hindi sasabak sa opening ang Lady Bulldogs makaraang maka-drew ng bye sa unang araw ng torneo.

Magtutuos para sa unang laro sa women’s division ang UST Tigresses at ang Ateneo Lady Eagles ganap na 8:00 ng umaga habang maghaharap naman sa huling laro sa 12:00 ng tanghali ang La Salle Lady Netters at UP Lady Maroons.