Star copy

LOS ANGELES (AP) — Tumabo ang Star Wars: The Force Awakens ng $88.3 million nitong Bagong Taon at nanguna sa box office sa loob ng tatlong linggo.

Ang nasabing pelikula ang kasalukuyang may hawak ng New Year’s box office history, naungusan na nito ang Jurassic World ($652.3 million) at Titanic ($658.7 million) bilang second-highest earner of all time sa kinitang $740.3 million sa loob lamang ng 19 na araw simula nang ipalabas.

Ang top domestic film ay ang Avatar na may $760.5 million lifetime domestic gross, ngunit tatangkain itong lampasan ng Star Wars sa susunod na mga araw. Pagdating sa context, naghintay ang Avatar ng 72 araw upang maabot ang kitang $700 million. Kinita ito ng Star Wars sa loob lamang ng 16 na araw.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Sa kabuuan, kumita na ang Star Wars ng $96.3 million ngayong linggo, dahilan upang umabot ang global total nito sa $184.6 million. Mapapanood na ito sa China simula sa Enero 9.

Habang nananatili sa trono ang Star Wars, pinatunayan naman ng mga pelikulang Daddy’s Home at Sisters na sila man ay mahuhusay ding performers.

“When you look at the holding power of Daddy’s Home and Sisters, it shows you that those films are for many people the antidote to Star Wars,” pahayag ni Paul Dergarabedian, senior media analyst para sa box office tracker na Rentrak. “The diversity of the slate that the studios created by not retreating from Star Wars is helping.”

“There is still a big audience out there for auteur-driven cinema,” dagdag ni Dergarabedian. “Tarantino, no matter what, is an interesting filmmaker. Film fans want to see what he’s up to. It’s not as big as some of his other films, but it’s still doing well as it expands.”

Narito ang mga pelikula at ang kinita ng mga ito:

1. Star Wars: The Force Awakens, $88.3 million ($96.3 million international).

2. Daddy’s Home, $29 million ($9.2 million international).

3. The Hateful Eight, $16.2 million.

4. Sisters, $12.6 million ($650,000 international).

5. Alvin and the Chipmunks: The Road Chip, $11.8 million ($10.3 million international).

6. Joy, $10.4 million ($9.3 million international).

7. The Big Short, $9 million ($2.2 million international).

8. Concussion, $8 million ($1.4 million international).

9. Point Break, $6.8 million ($6.8 million international).

10. The Hunger Games: Mockingjay — Part 2, $4.6 million ($4.4 million international).