1Z9A8676 copy

DAHIL viral ngayon sa social media ang reklamo ng dating talent ng Forevermore kay Direk Cathy Garcia-Molina, tila nagiging running joke na sa lahat ng presscons ang pagtatanong sa mga artista kung naranasan na rin nilang masigawan ng direktor.

Sa presscon ng Lumayo Ka Nga Sa Akin, isa sa mga tinanong si Jayson Gainza na hindi namin alam kung seryoso sa sinabing nagbingi-bingihan siya nang masigawan siya ni Direk Chris Martinez.

“May open letter ka rin ba sa akin?” hirit tuloy ni Direk Chris.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Kaya nagkatawanan ang lahat at sagot ni Jayson: “Ipo-post ko na lang po sa Facebook.”

Pero pagkatapos ng Q and A ay umamin ang komedyante na normal lang talaga sa taping o shooting ang masigawan at mamura ng direktor lalo’t walang alam sa pag-arte ang kinukunan.

Dala raw iyon ng stress at pressure, kaya hindi raw dapat sineseryoso ang mga sigaw at mura dahil trabaho lang ang lahat, and at the end of the day ay magkakaibigan ang lahat.

Hindi binanggit ni Jayson kung sinu-sino ang mga direktor na sumigaw at nagmura na sa kanya, pero pagdating kay Direk Cathy, “Marunong na akong umarte no’n no’ng nagkasama kami sa pelikulang You Got Me na pinagbidahan nina Toni Gonzaga, Zanjoe Marudo at Sam Milby noong 2007.” (Reggee Bonoan)