TEAM CORNERSTONE copy

NGAYONG araw ang lipad ng buong Cornerstone Talent Management Center headed by their President and CEO Erickson Raymundo patungong Balesin Island, Mauban, Quezon para sa kanilang dalawang araw na planning for 2016.

Tuwing umpisa ng taon ay ganito ang ginagawa ni Erickson kasama ang talent/road managers at staff niya para planuhin ang career ng lahat ng artists ng Cornerstone. Sa ilang taon na nilang team building at planning, tumatakbo namang almost perfect ang career ng lahat ng talent nila.

Natatandaan naming kuwento sa amin ng mabait at mapagkumbabang manager ng mga sikat na artista at singers, bukod sa planning ay treat na rin niya ito sa staff niya na buong taong nagtatrabaho. Actually, pamilya ang turing ni Erickson sa kanila at hindi mga empleyado.

Lifehacks

Feeling tagapagmana ng kompanya? Ilang tips para hindi 'overworked' sa trabaho

Noong 2015, lahat ng Cornerstone talents ay nagtungo rin sa Balesin pero hindi para makipag-brainstorming kundi para mag-enjoy at mag-unwind. Ngayong 2016 ay hindi na sila kasama dahil busy silang lahat.

Naghahanda na kasi sina Erik Santos at Angeline Quinto para sa nalalapit na pre-Valentine show nila sa SM MOA kasama sina Martin Nievera at Regine Velasquez na may titulong Royals na produced ng Star Media ni Ana Puno.

Hindi rin makakasama si Sam Milby na kagabi lang dumating galing Australia, doon siya nag-celebrate ng Bagong Taon kasama ang ate at mga pamangkin, at diretso na sa taping ng Doble Kara.

Bukod dito, abala na si Sam sa recording ng kanyang long overdue album na hindi na matapus-tapos dahil nga madalas siyang nasa labas ng bansa noong 2014 at 2015. Back to music na siya ngayong 2016 at excited siyang tapusin na agad ang album bilang paghahanda sa TFC shows niya ngayong taon.

May taping naman si Iñigo Pascual ng And I Love You So kasama sina Julia Barretto at Miles Ocampo.

Good news din sa fans ni Iñigo dahil front act siya sa concert ng American singer na si Nate Ruess na nagpasikat ng mga awiting We Are Young, Just Give Me A Reason at iba pa na gaganapin sa Kia Theater sa Enero 19.

Naghahanda naman si Kyla para sa pag-alis niya ngayong linggo patungong Sacramento, California USA para sa On The Wings of Love tour kasama sina James Reid, Paulo Avelino at Nadine Lustre.

May show si Richard Poon samantalang ang asawang si Maricar Reyes ay abala naman sa taping ng Ang Probinsyano bilang kontrabida at abala rin sa kanyang chocolate rhum cake business.

Pinaghahandaan din ni Yeng Constantino ang kanyang 10th year anniversary sa showbiz at ipagdiriwang niya ito sa pamamagitan ng Yeng Contantino Musicale na gaganapin sa PETA simula Setyembre 2016.

Ang mga taong nasa likod ng success ng Rack of Aegis din ang nasa likod ng YC Musicale produced ng Cornerstone Concerts at ABS-CBN.

Ang iba pang artists ng Cornerstone ay busy din sa kani-kanilang field. (Reggee Bonoan)