Hangad na mapanatili ng Philippine Superliga (PSL) ang kanilang matatag na pagkakaugnay sa international volleyball federation sa pagpasok nila sa kanilang ika-apat na taon ngayong 2016.

Ayon kay PSL president Ramon Suzara na ang pagpapanatili ng magandang relasyon kapwa sa International Volleyball Federation (FIVB) at Asian Volleyball Confederation (AVC) ay makakatulong ng malaki upang mas lalo pang paangatin ang larong volleyball sa bansa.

Ang PSL ang natatanging club league sa Pilipinas na istriktong sumusunod sa international standards.

Sa katunayan, ang national federation ng bansa na Larong Volleyball sa Pilipinas, Inc. (LVPI) ay inatasan ang PSL upang pamunuan ang pagbuo ng national team na lalahok sa AVC Asian Women’s Seniors Championship sa Tianjin, China at AVC Asian Men’s Club Championship sa Taipei;.

PBA, hinihingi panig ni Amores; makabalik pa kaya sa liga?

Sila rin ang bumuo ng koponan na lumahok kamakailan sa AVC Asian Women’s Club Championship na idinaos sa Phu Ly, Vietnam dahil na rin sa kanilang patuloy na pagbalangkas sa international developments ng volleyball.

Maliban dito, gumanap din ng mahalagang papel ang liga sa nakaraang hosting ng bansa ng AVC Asian Women’s U-23 Championship gayundin sa muli nating paglahok sa nakaraanag 28th Southeast Asian Games sa Singapore at maging sa VTV International Women’s Volleyball Championship sa Bac Lieu, Vietnam.

Sa taong ito, muli na namang inaasahan ang PSL para maging chief organizer ng AVC Asian Women’s Club Championship sa Setyembre at FIVB World Women’s Club Championship sa Oktubre na tiyak na magbibigay sa mga local na players, coaches at fans ng all-out display ng tinatawag na “ world-class volleyball action”.

“This is our own little way of helping the sport,” ani Suzara,na siya ring chairman ng development and marketing committee ng continental bod ng volleyball.

“A healthy relationship with both the FIVB and the AVC will enable us to send more teams and host more high level international tournaments that would be beneficial to the improvement and development of the sport here. We are looking forward to another explosive year, not just here, but also abroad.”

Para naman kay PSL chairman Philip Ella Juico, ang paggabay kapwa ng FIVB at AVC, ay nakatulong upang mas umangat ang liga magmula nang ilunsad ito noong 2013.

“By adhering to the rules and regulations of both the FIVB and AVC, the PSL had grown by leaps and bounds,” ani Juico kasabay ng pagpapahayag na ang paggamit ng FIVB-approved video challenge system ang siyang naging game-changer sa pag-unlad ng volleyball noong nakaraang taon dito sa bansa.

”The video challenge system, which is being used in major FIVB and AVC tournaments, completely changed the landscape of the game here. With that, we’re now abreast with the latest trends and technology that will make it easier for us to compete against our international rivals.”

Bukod naman sa hosting ng Asian Women’s Club tournament sa Setyembre 3-11, magpapadala din ang PSL ng team sa Thailand Super League, isang prestihiyosong torneo kung saan makakatunggali ng mga Pinay ang apat sa pinakamahusay na club teams sa Thailand at isang All-Star team mula sa Vietnam sa Marso 23-29.

Balak din ng liga na lumahok sa West Coast Road Tour sa Estados Unidos sa Setyembre 16-25.

“This is going to be a very exciting year for us,” ayon pa kay Suzara.”Rest assured that we will keep on working hard to bring world-class volleyball entertainment to millions of local fans.”