SARAH AT MATTEO copy

AGAW-PANSIN ang touching message ni Matteo Guidicelli para sa kanyang girlfriend na si Sarah Geronimo sa kanyang bagong lunsad na self-titled album.

Heto ang nilalaman: “My Sarah, thank you for the undescribable feeling we shared together. Thank you for the inspiration for staying by my side and being completely honest with me. I believe challenges are meant to make people better and wiser.”

Kung ikukumpara sa ibang wala sa tonong male young singers ay higit na may karapatan si Matteo na maglunsad ng album na punum-puno ng pagmamahal.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Highlight sa album ang duet nila ni Regine Velasquez ng awiting Sa Kanya, ang inspirational song na kinatha ni Ogie Alcasid. Hinangaan namin lalo si Regine sa hindi niya pagiging maramot dahil lumutang nang husto ang tinig ni Matteo sa naturang duet nila.

Sa revival songs ay aprub kami sa version ni Matteo ng Annie’s Song ng country singer na si John Denver.

Sa susunod na album, aasahan namin ang pagdu-duet nina Sarah at Matteo. For the good times, ‘ika nga. (REMY UMEREZ)