Enrique copy

BIRTHDAY ni Liza Soberano kahapon, January 4, 18 years old na ang maganda at magaling na young actress.

Kung si Liza lang ang masusunod, ayaw niya ng malaki at magarbong party sa debut niya, kaya nga ilang linggo bago ang kaarawan, nagkaroon lang siya ng dalawang charity events.

Pero hindi pumayag ang ka-love team ni Liza na si Enrique Gil na basta na lang lilipas ang debut niya nang wala man lamang selebrasyon. Ang nabasa namin, si Enrique at ang ama ni Liza ang nagplano ng isang Bohemian themed party sa isang resort sa Batangas, na may beach house raw ang pamilya ni Enrique.

Trending

Co-founder ng Lola Nena’s nagsalita sa isyu ng ‘working lunch’ video

Sobrang effort si Enrique na mabigyan ng kakaiba at masayang debut ang ka-love team dahil pinauwi niya ng Pilipinas from the States ang half-siblings ni Liza. Apat ang nakita naming kasama ni Liza sa picture, hindi kami sure kung silang apat nga ang kapatid ng aktres.

Pati raw ang mga kapatid ni Enrique na nasa Amerika ay pinauwi rin nito para makasama sa debut party ni Liza. Sa mga effort ni Enrique, tiyak na naka-plus pogi point siya kay Liza at sa pamilya ng dalaga. (NITZ MIRALLES)