Binalewala ni Analyn C. Abunda, 37, ang kalungkutan sa pagsalubong sa Bagong Taon dahil wala sa kanyang piling ang kanyang asawa.

Para kay Analyn, mas mahalaga ang may kapayapaan sa isipan matapos niyang ipakulong ang kanyang mister na si Christopher D. Abunda, 38, na isang drug addict.

Sa hiling ni Analyn, sinalakay ng mga tauhan ng Legazpi City Police, sa pamumuno ni Senior Insp. Millard C. Bongalon, ang bahay ng mag-asawa sa Purok 3, Barangay Victory Village, Legazpi City, at naaktuhan ng raiding team na bumabatak ng shabu si Christopher sa kanilang silid, dakong 1:45 ng hapon noong Miyerkules.

Nabawi ng pulisya sa suspek ang tatlong sachet na naglalaman ng shabu, tatlong nakarolyong aluminum foil, at sari-saring drug paraphernalia.

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

Nagpositibo rin si Abunda sa paggamit ng droga matapos siyang isalang sa drug test sa Regional Crime Laboratory Office 5, ayon kay SPO1 Gomercindo Bataller. - PNA