Pauleen, Vic at Fr. Jeffrey
Pauleen, Vic at Fr. Jeffrey

NGAYONG Enero na ikakasal sina Vic Sotto at Pauleen Luna, na nang magkita kami sa backstage ng Eat Bulaga nitong January 1 ay hindi naman nagkait ng interview, pati na kung kailan talaga at kung saang simbahan ito gaganapin. Pero kami na ang nagdesisyon na huwag nang isulat ito, dahil ayaw naming makipag-unahang isulat ito.

Itinanong din namin kina Vic at Pauleen kung sa bago na nilang bahay sila tutuloy pagkatapos ng wedding.

“Siguro bago dumating ang araw ng kasal, tapos na tapos na ang bahay,” sabi ni Vic.

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

“Matatapos na ‘yon,” salo ni Pauleen.

Unang araw ng 2016, ang pagpapa-bless ng bagong bahay ang ginawa nina Vic at Pauleen. Nag-post si Pauleen sa kanyang Instagram account ng picture with the caption na, “We had our home blessed today (January 1) by our favorite priest, our mentor, Father Jeffrey Quintela. What a great way to start the year. Thank you, Lord.”

Ipinagpapasalamat din ni Vic ang highest first day box-office return ng movie nila nina Ai Ai delas Alas, Alden Richards at Maine Mendoza, ang My Bebe Love, noong Christmas Day, na kumita ng P60.4 million. Bawas na raw ang taxes noon, at total profit na lamang iyon. Labis-labis ang pasasalamat nila sa lahat ng sumuporta sa kanilang pelikula, lalo na sa fans na umuwi pa ng Pilipinas para lamang makapanood.

Sa kabila ng mga kontrobersiya, hihintayin na raw lamang nila kung sila ang magiging box-office movie for the Metro Manila Film Festival 2015.—Nora Calderon