Ni NITZ MIRALLES

Dennis & Jennylyn
Dennis & Jennylyn
PAGKATAPOS maging cover girl sa December-January issue ng FHM, si Jennylyn Mercado rin ang cover sa January issue ng Hola! magazine. Siya ang pinaka-main cover at maliit lang ang pictures nina Miss Universe Pia Wurtzbach at Sandra Bullock.

Wala nang maiba-bash ang haters kay Jennylyn dahil balot na balot siya sa picture niya sa cover ng FHM. Maganda rin ang nakasulat na “Jennylyn Mercado emerges as one of the country’s brightest stars.”

Positive pa ang nababasa naming comments sa IG ni Jennylyn as of January 2, hindi pa pinasok ng mga bitter at gusto lang inisin at asarin ang nanay ni Jazz. Unlike sa second FHM cover niya na kung anu-ano ang nakitang negative sa picture ni Jennylyn.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Samantala, sabay nag-post ng picture sa Instagram (IG) noong New Year sina Jennylyn at Dennis Trillo. Kuha ang picture sa bakasyon nila sa Amsterdam at tama yata ang interpretation ng kanilang fans na pag-amin na rin iyon ng dalawa sa tunay na relasyon nila.

Kaya hindi na kailangan ang pag-amin nila, at pagbigyan na natin kung patuloy na nagde-deny si Jennylyn at tahimik lang o hindi nagsasalita si Dennis. Masaya sila na wala silang inaamin, kaya hayaan na natin.

Siyanga pala, kung hindi nabago ang plano ng Quantum Films, ang My Candidate na balik-tambalan nina Jennylyn at Derek Ramsay and to be directed by Quark Henares ang sunod nilang gagawin. Before elections ang target playdate ng pelikula at ito ang uunahin ng dalawa bago ang sequel ng English Only, Please.