Huling araw na bukas, Lunes, para sa pagsusumite ng nominasyon sa panibagong batch ng mga kandidato para sa natatanging dating pambansang atleta na magiging miyembro ng Philippine Sports Hall of Fame.

Sinabi ni Philippine Sports Commission (PSC) Research and Planning head Dr.Lauro Domingo Jr., na nagpadala sila ng imbitasyon sa lahat ng National Sports Associations (NSA’s), media at sports stakeholders upang iboto ang mga dating pambansang atleta na nakapagwagi ng medalya para sa bansa.

Kikilalanin rito ang panibagong batch ng mga dating atleta na nagbigay prestihiyo at karangalan sa bansa sa kanilang nilahukang internasyonal na torneo sa pag-aangat sa kanila sa natatanging anibersaryo ng Philippine Sports Commission (PSC) sa Enero 25.

Ang Philippine Sports Hall of Fame ay may mandato alinsunod sa Republic Act 8757 upang magbigay ng espesyal na pagkilala sa mga Pilipino na dahil sa malaking karangalan sa komunidad ng sports maging ito man ay isang amateur o propesyonal.

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

Kabuuang 146 ang kandidato na kabilang sa mga nominado matapos na mag-uwi ng gintong medalya sa isinagawa na Southeast Asian Games, pilak sa Asian Games o alin man asian Cup o Regional Games, tansong medalya alinman sa Olympic Games o World Games na naging World Champion sa amateur o professional sports.

“It is an homage to our sports heroes of past and present who through his triumphs, showed the true mettle of a Filipino athlete,” sabi ni PSC Research and Planning chief Dr. Lauro Domingo Jr., sa pagpili nito sa mga dating atleta na lumahok simula noong 1924 hanggang 1974.

“The objective of the Hall of Fame is to enshrine Filipino athletes, coaches and trainers who have distinguished themselves in their particular field of sports and to preserve and celebrate the Filipino sportsman’s highest achievement in sports and life, inspiring the next generation to aspire for their highest potential in both sports and life,” sabi pa ni Domingo Jr.

Samantala, nakatakda ring ilathala ng PSC ang isang natatanging coffeetable book na naglalaman ng mga litrato, kasaysayan at pangyayari sa mga naging kampanya ng bansa sa iba’tibang torneo sa pagseselebra nito ng ika-25 taong bilang ahensiya ng gobyerno sa sports. (Angie Oredo)