MAR AT KORINA_REGGEE copy

KUNG dati rati’y sa bahay lang nagdiriwang ng Pasko at Bagong Taon si Korina Sanchez, simula nang maging esposa siya ni Mar Roxas ay kakaiba na ang pagdiriwang niya ng naturang mga okasyon, kasabay na rin ang “pamamahinga”.

Yes, Bossing DMB, nabago na ang lifestyle ng hinahangaan nating broadcast journalist. Lalo nang hindi uso sa kanya ang holidays.

Nitong nakaraang Pasko at Bagong Taon kasi ay sa Mindoro nagdiwang ang mag-asawa. Matatandaan na ang naturang island province ang tinamaan nang husto ng bagyong ‘Nona’ kaya ang mga tagaroon ang binigyan nila ng panahon, at para alamin na rin ang sitwasyon ng mga biktima ng bagyo.

Mga Pagdiriwang

Paskong Pilipino, pinakamahabang kapaskuhan sa buong mundo

Sa post ni Korina sa social media, ang kanyang wish, “And before the first day of 2016 ends, let me wish the end of violence, corruption and deception. The beginning of kindness, fairness, rule of law -- life, health and victory to those who, in God’s unbiased, loving and just Eyes are truly deserving. Happy New Year, Pipol!” (Reggee Bonoan)