Nasa kostudiya na ng pulisya ang suspek sa insidente ng pagtama ng ligaw na bala na ikinasugat ng isang siyam na taong gulang na babae sa Marikina City.

Kinilala ni Senior Supt. Vincent Calanoga, hepe ng Marikina City Police, ang suspek na si Reynaldo Ruiz y Jocson, alyas “Ini”. Naaresto siya dakong 11:40 ng umaga nitong Huwebes sa kanyang bahay sa No. 13 Jocson Street, Purok 1, Malanday, Marikina City.

Sinabi ng pulisya na aksidenteng nabaril ni Ruiz ang Grade 3 pupil na si Francia Grace Aragones, na tinamaan ng bala sa kaliwang dibdib na lumabas sa kilikili ng bata. Maayos na ang lagay ng biktima sa Marikina Valley Hospital.

Ayon sa police report, nangyari ang insidente pasado 11:00 ng gabi nitong Disyembre 30 habang nakahiga ang bata kasama ang ina at nanonood ng telebisyon sa bahay.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Nabatid din ng awtoridad na si Ruiz ay may tatlong arrest warrant.

Nakapiit na ang suspek sa himpilan ng Marikina City Police. (Madelynne Dominguez)