Hilary copy copy

MAAGANG umibig si Hilary Duff, at siya ay nagpakasal, at siyempre, nagkaroon ng anak. Ngunit ang lahat ng ito ay nawalan ng saysay noong Enero 2014 nang maghiwalay sila ni Mike Comrie.

Ngayon, ang 28 taong gulang na ina ay nagpahayag ng kanyang saloobin kaugnay sa pagpapakasal at pagiging ina pagkatapos niyang makipag-divorce.

Sa panayam sa kanya ng Redbook magazine para sa February 2016 issue, isiniwalat ni Hilary na wala sa mga interes niya ang muling pagpapakasal.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

“I don’t want to say I wouldn’t get married again, but it’s not important to me,” paliwanag ni Hilary.

Nananatiling magkaibigan sina Hilary at Mike upang magampanan nang maayos ang kanilang responsibilidad bilang mga magulang ng kanilang tatlong taong gulang na anak na si Luca Cruz.

At nang tanungin tungkol sa pagkakaroon ng bagong anak, sinabi ni Hilary na, “I don’t feel I would need to be married to have another child,” at idinagdag na “If I felt strongly enough toward someone or if someone felt strongly about it, I might say OK. But it’s not essential.” (The Insider)