Ian copy copy

KUNG kailan nagkakaedad na, saka lang naranasan ni Ian Veneracion na pinagkakaguluhan siya ng fans. Inamin ni Ian na ang pakiramdam niya ay nagbalik siya sa panahon ng That’s Entertainment. Ang hindi nagugustuhan ni Ian ay ang pilit na intriga sa kanila ng kanyang ka-love team sa Pangako Sa ‘Yo at sa All You Need is Pag-ibig na si Jodi Sta. Maria.

Pati kasi ang asawa niya ay idinamay pa na kesyo nagseselos na raw sa kanila ni Jodi.

“Hindi naman totoo ‘yon. Alam naman ng asawa ko that I am professional pagdating sa trabaho. Gano’n din naman si Jodi, professional siyang tao,” pagtatanggol ni Ian sa sarili at idinagdag na kilala na rin naman ng asawa niya si Jodi.

Mga Pagdiriwang

Paskong Pilipino, pinakamahabang kapaskuhan sa buong mundo

“Bago ko pa naman ginawa ang Pangako, eh, alam ng asawa ko na si Jodi ang makakasama ko at alam niyang magkakaibigan kaming dalawa. Sa totoo lang, nakakatuwa lang, eh, dahil nandoon ang chemistry namin ni Jodi sa lahat ng mga eksena namin. At very comfortable kami sa isa’t isa,” banggit pa ni Ian .

Maunawain ang wife ni Ian. Naiintindihan nito ang halos mag-uumaga na niyang pag-uwi galing sa trabaho. “’Di naman big deal sa amin ang madalas na wala ako sa bahay at may mga okasyon na family affair, eh, hindi ako nakakasama nila.” Pero gusto muna niyang magpahinga bago gumawa ng isa pang project, bagamat bongga uli ang susunod after Pangako Sa ‘Yo.

Itinuturing niyang napakalaking blessing ang Pangako Sa ‘Yo. Hindi niya inasahan na sa edad niya ngayon ay magkaroon pa siya ng ganoong klaseng role sa teleserye.

“Hindi ko in-expect ito. Kaya nga grateful ako at dapat lang na magpasalamat tayo sa Itaas dahil sa blessing Niya sa akin for this 2015. Sino ba ang hindi matutuwa at siyempre nakakataba ng puso na may mga sumusubaybay din pala sa love story namin ni Amor Powers,” sey pa ni Ian. (JIMI ESCALA)