DASMARIÑAS, Cavite – Isang lalaki ang napaulat na nagpakamatay sa loob ng barangay hall matapos siyang magbigti nitong Lunes, iniulat ng pulisya kahapon.

Ang nagpatiwakal ay kinilalang si Raphy Mapagrangalan Bautista, 35, construction worker, at residente ng Barangay San Esteban, Dasmariñas.

Sinabi nina PO3 Fernando H. Angeles at PO2 Armando M. Perez na natagpuang walang buhay si Bautista at may nakapulupot na cable wire sa leeg sa loob ng barangay hall sa San Esteban, dakong 9:00 ng gabi nitong Lunes.

Bukod sa marka ng bigti sa kanyang leeg, may hiwa rin sa kaliwang kilay si Bautista, kaya iniimbestigahan pa ng awtoridad kung saan nanggaling ang sugat nito.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Sinabi ng mga imbestigador, batay sa salaysay ng mga kaanak at kaibigan ni Bautista, na posibleng matinding selos sa kinakasama ang nagbunsod para magpatiwakal ang biktima. (Anthony Giron)