Janine copy

NAG-WALK OUT nga ba si Janine Gutierrez nang mag-present siya ng award sa katatapos na Gabi ng Parangal ng Metro Manila Film Festival?

May nang-intriga nang dali-daling umalis si Janine ng Kia Theater, pero hindi naman totoo.

Si Janine dapat ang presenter ng Gat Antonio Villegas Cultural Award pero mali ang cue card na ibinigay sa kanya, dahil nakasulat doon na ang 3rd Gat Antonio Villegas Cultural Award ay ang My Bebe Love. Pansamantalang inihinto ang pagbibigay ng award dahil nilinaw na hindi ang said award ang magbibigay ng tatlong best picture award, kundi tatawagin iyong 3rd, 2nd at 1st Best Festival. Kaya inayos ang cue card at muling binasa ni Janine na ang 3rd Best Festival Picture ay ang My Bebe Love. 

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

Sa totoo lang, ang daming palpak sa Gabi ng Parangal, parang bago ang nag-handle ng programa kahit ilang taon nang ang Viva Entertainment ang may hawak nito at delayed telecast sa TV5 kaya hindi na nakita ang mga kapalpakang iyon. 

Pagkatapos mabasa ni Janine ang award, bnmaba na siya ng stage dahil iba naman ang presenter ng 2nd at 1st Best Festival Picture award.

Kasama ang handler niya, umalis na si Janine dahil may hinabol naman siyang event sa SM Megamall, pero may mga pumigil pa rin sa kanya para magpakuha ng picture. Ang ganda-ganda ni Janine sa kanyang suot na long gown at puwede sana siyang naging Female Celebrity of the Night, pero kay Jennylyn Mercado, who is wearing a sequined green gown, ibinigay ang special award. (NORA CALDERON)