WALA nang makapipigil pa sa GMA Network sa paghahatid ng mga de-kalidad na programa sa manonood ngayong bagong taon. 

Kasado na sa first quarter ng 2016 ang pagsisimula ang iba’t ibang palabas kabilang ang Wish I May na pagbibidahan nina Miguel Tanfelix at Bianca Umali. Eere na ito sa Enero 18.

Premiere telecast naman sa Enero 25 ang That’s My Amboy na pagbibidahan nina Barbie Forteza at Andre Paras.

Sa Pebrero 8, mapapanood naman ang simula ng The Abandoned na pagbibidahan nina Bea Binene at Derrick Monasterio.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Sa Pebrero 14, magsisimula naman ang Dear Uge ni Eugene Domingo. Ang Lip Sync Battle na iho-host nina Michael V. at Iya Villania ay pilot telecast naman sa Pebrero 27.