Cast ng 'Little Nanay' kasama si Christopher copy

NAKA-POST sa Instagram (IG) nina Gladys Reyes, Hiro Peralta at Kris Bernal ang picture nila kasama si Christopher de Leon na maggi-guest sa Little Nanay. Pare-parehong feeling lucky ang tatlo na makasama sa teleserye ang mga batikang artista ng bansa na sina Boyet, Nora Aunor, Bembol Roco at Eddie Garcia.

First scene ni Hiro last Tuesday ang eksena nila ni Boyet na gaganap na lawyer at mag-aayos ng annulment case nila ni Tinay (Kris Bernal.)

Sabi ni Hiro: “First scene for today’s taping. Damn this sho is pure goldmine. I get to work with some of the most decorated actors in the industry. I’m currently taking notes.”

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

Post naman ni Gladys: “Hindi ko maaring palampasin ang pagkakataong maka-selfie ang dalawa sa inirerespeto at itinuturing nating haligi ng industriya ng Pelikulang Pilipino. Isang malaking karangalan ang makasama sila sa isang eksena. Abangan n’yo po sa 2016 ang mga natatanging eksena na ito sa #LittleNanay. #superstar #dramaking.”

Post ni Kris: “The Christopher de Leon in the house! Wow! Just WOW!!! May Ate Guy na, may Kuya Bo pa! Abangan ang kuwento nila sa #LittleNanay! #starstruck.”

Excited na ang mga sumusubaybay sa Little Nanay sa mga eksena nina Nora at Boyet. Ngayong January na raw mapapanood ang mga eksenang magkikita ang dalawa, kaya hintayin n’yo na lang! (Nitz Miralles)