BAGHDAD (Reuters) — Nagdeklara ang nagdiriwang na si Iraqi Prime Minister Haider al-Abadi noong Lunes na masasaksihan sa susunod na taon ang paglupig ng kanyang puwersa sa Islamic State (IS) matapos makamit ng militar ang unang malaking tagumpay simula nang bumagsak 18 buwan na ang nakalipas.

Itinaas ng Iraqi forces ang pambansang watawat sa government complex sa Ramadi nang umagang iyon, at idineklarang nabawi na ang lungsod, ang provincial capital sa kanluran ng Baghdad, na nakubkob ng Islamic State noong Mayo.

“2016 will be the year of the big and final victory, when Daesh’s presence in Iraq will be terminated,” sabi ni Abadi sa talumpati na inilabas sa state television, gamit ang Arabic acronym para sa Islamic State na kinaiinisan ng teroristang grupo.

Internasyonal

Misa ng Santo Papa dinumog, halos kalahati ng populasyon ng East Timor, dumalo