Maine Mendoza copy

MARAMING nag-react as expected nang manalong Best Supporting Actress si Maine Mendoza para sa My Bebe Love sa Metro Manila Film Festival awards night dahil wala naman daw bigat ang ipinakitang acting ng baguhang aktres.

Mismong si Maine na rin ang nag-react sa sarili ng, “bakit ako” kaya inunahan na niya ang bashers.

‘Buti pa si Maine, alam niyang hindi siya karapat-dapat manalo sa nasabing kategorya kung ikukumpara kina Iza Calzado at Ms. Nova Villa.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Maiintindihan namin kung text votes ang labanan dahil tiyak na panalo nga si Maine sa rami ng supporters nila ni Alden Richards. So, ibig sabihin, idinaan sa paramihan ng fans ang pagkakapanalo ni Yaya Dub?

At binalewala na ang ipinakitang galing sa pag-arte nina Iza at Ms. Nova?

Napanood namin ang lahat ng mga pelikula sa MMFF at sa totoo lang, waley na waley si Maine kung ikukumpara sa dalawang aktres.

Sayang ang mga artistang magagaling at seryosong umarte na tatapatan lang ng pucho-puchong acting, e, iyon na ang mananalong best actress o best actor. (REGGEE BONOAN)