Sisikapin ng Philippine Sports Commission (PSC) na maipamigay ang cash incentives para sa mga Philippine ASEAN Paragames medallist bago matapos ang taon.

Ito ang ipinangako ni PSC chairman Richie Garcia sa panayam dito sa isang programa sa DZSR Sports Radio.

Ayon kay Garcia, posibleng mapaaga ang release ng pera ng kanyang tanggapan na galing sa PAGCOR.

Hinihintay na lamang umano nila ang pahintulot mula sa PAGCOR na maipamahagi ang pera at ang katiyakang maibabalik nila sa sports agency ang ipaluluwal na mahigit P4 milyong insentibo.

Putol na ang sumpa! UST tinapos na ang 9 taon losing streak sa Ateneo

Nais lamang aniya ni Garcia na hindi na maulit ang mga naunang pangyayaring namigay sila ng insentibo at nabigong ma-reinbursed ang mga ito.

Ang para-athetes ang unang benepisyaryo ng bagong naaprubahang RA 9064 o ang National Athletes, Coaches and Trainers Benefits and Incentives Act na nagkakaloob na ngayon ng insentibong P150,000 sa gold medalist, P75,000 sa silver at P30,000 sa bronze medal winners.

Ang Filipino para- athletes ay tumapos na pampito sa nakaraang Paragames na ginanap sa Singapore noong Disyembre 3-9, kung saan nag- uwi sila ng 16 na gold, 17 silver at 26 na bronze medals. (Marivic Awitan)