Eksena mula sa 'Star Wars' copy

LOS ANGELES (AP) – Umabot na sa $1 billion ang kinita sa takilya ng Star Wars: The Force Awakens, isang milestone na naabot ng sikat na film franchise sa record-setting hyper speed.

Sinabi ng Walt Disney Co. na naabot ng The Force Awakens ang billion-dollar mark nitong Linggo, ang pinakamabilis sa kasaysayan makaraang maitala sa loob lang ng 12 araw. Ang unang pelikula na pinakamabilis na kumita ng $1 billion ay ang Jurassic World ng Universal Studios, sa loob ng 13 araw ng Hunyo. Nakapagtala rin ng sariling record ang kinita ng Jurassic World sa China. Sa Enero 9 pa ipapalabas ang The Force Awakens sa China, ang ikalawang pinakamalaking movie market sa mundo.

Ang Star Wars installment din ni J.J. Abrams ang nagtala ng pinakamalaking kinita ng Pasko sa buong kasaysayan ng North American box office nang humakot ito ng $49.3 million, at ang best second-weekend earnings sa $153.5 million.

Trending

Lalaki, nalulong sa sugal; ipon na ₱800K, naglaho na lang parang bula

Marami nang naitalang record ang The Force Awakens simula nang ipalabas ito noong Disyembre 17. Kumita ito ng nakamamanghang $238 million sa North America sa opening weekend nito, dinaig ang dating record holder na Jurassic World, at nagtala rin ng international opening-weekend records sa Australia, New Zealand at sa buong Europe. Record na rin nito ang pinakamalaking worldwide debut sa hinakot na $529 million. Umabot din sa $100 million ang kinita nito sa IMAX screenings sa loob lang ng 10 araw, isa pang pandaigdigang record.

“You almost have to rewrite all the record books for this movie,” sinabi ng box office analyst na si Paul Dergarabedian ng Rentrak. “It’s absolutely mind-blowing that Star Wars could get to a billion dollars in 12 days and it hasn’t even opened in China, the second biggest movie market in the world.”

Sa listahan ng mga pelikulang pumatok sa North American box office nitong weekend, pumangalawa sa The Force Awakens ang comedy na Daddy’s Home ng Paramount, sa kinitang $38.8 million, kasunod ang Joy ($17.5 million), Sisters ($13.9 million), Alvin and the Chipmunks: The Road Chip ($12.7 million), Concussion ($11 million), The Big Short ($10.5 million), Point Break ($10.2 million), The Hunger Games: Mockingjay-Part 2 ($5.3 million), at The Hateful Eight ($4.5 million).