CAPAS, Tarlac – Limang katao ang nasugatan makaraang magkasalpukan ang isang tricycle at isang motorsiklo sa Manila North Road sa Barangay Cut-Cut 1st, Capas, Tarlac.

Kinilala ni PO3 Arthur Alzadon ang mga isinugod sa Ospital Ning Capas na sina Adonis Mayuyu, 24, driver ng Honda TMX motorcycle na walang plaka, ng Bgy. Cut-Cut 2nd, Capas; Edison Laxamana, 25, may asawa, driver ng tricycle, ng Bgy. Sta. Lucia, Capas; Marcelito Alimurong, 49, ng Bgy. Anupul, Bamban; Michael Abi, 27; at Mario Arsula, 25, ng Bgy. Sto. Rosario, Capas, Tarlac.

Parehong pahilaga ang motorsiklo at tricycle nang aksidente mabangga ng motorsiklo ang likuran ng tricycle.

(Leandro Alborote)

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?