Dalawang araw bago ang Pasko, isang masuwerteng tumaya sa Mega Lotto 6/45 sa Batangas City ang nanalo ng P25.2-milyon jackpot, kaya naman tiyak nang happy ang kanyang New Year.

Ito ang kinumpirma ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), sinabing napanalunan ng pinakabagong miyembro ng “instant millionaires’ club” ang jackpot nitong Miyerkules, matapos siyang matsambahan ang mga numerong 02-12-34-04-43-20, na may kabuuang premyo na P25,230,848.

Ayon sa PCSO, binili ng nanalo ang kanyang winning ticket sa isang Lotto outlet sa Batangas City.

Sinabi rin ni PCSO General Manager Jose Ferdinand M. Rojas II na 15 mananaya naman ang tatanggap ng tig-P50,000 matapos matiyempuhan ang lima sa anim na winning number combination.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Samantala, sinabi ni Rojas na wala namang nanalo sa Grand Lotto 6/55 nitong Miyerkules.

Wala, aniya, sa libu-libong tumaya ang nakatsamba sa jackpot combination na 22-25-02-39-28-49, na may premyong P70.7 milyon.

Tatanggap naman ng P82,610 ang bawat isa sa 12 mananaya na nakatsamba sa lima sa nabanggit na mga numero.

(Edd K. Usman)