Muling nagpakita ng kanyang suporta sa Pilipinas si Miss Bulgaria Radost Todorova, isa sa mga pageant “besties” noong kompetisyon ni reigning Miss Universe Pia Alonzo Wurtzbach, sa isang Facebook post noong bisperas ng Pasko, at binati ang bansa ng masayang pagdiriwang.

Eksaktong 11:57 p.m. ng Huwebes, oras sa Manila, nagpaskil si Todorova ng kanyang litrato sa social networking site na Facebook na may kasamang pagbati na “Maligayang Pasko po, Pilipinas!” at may mga heart emoji pa.

Ang nasabing post ay umani ng halos 16,000 likes at 315 shares sa loob lamang ng 12 oras.

Binati rin ng mga Pilipino ang Bulgarian beauty queen, at isang Chester Minoro ang nagkomentong “Maligayang Pasko din! Have a nice Christmas Eve Miss Bulgaria.”

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Na sinagot naman ni Todorova ng “Love from Bulgaria!”

Ikinatuwa ng mga Pinoy ang pagpapakita ng kinatawan ng mga Bulgarian ng labis na suporta kay Wurtzbach sa kompetisyon, at binansagan siyang “Best Supporter” at “Bestie of the Year.”

Kumalat din sa social media ang mga “meme” at screenshots ni Todorova na pumapalakpak para kay Wurtzbach, matapos ideklara ang pambato ng Pilipinas bilang Miss Universe 2015, na umani ng papuri at pagmamahal ng marami para sa kanya. - Ces Dimalanta