K BrosasNANG makakuwentuhan namin last month si K Brosas sa bahay ni Pokwang, ibinida niya na tulad ng kaibigan niya ay magiging masaya ang Pasko niya sa piling ng kanyang boyfriend. 

Ilang buwan pa lamang tumatagal ang relasyon nila, pero hindi na raw siya kasama sa celebrities na malalaming ang Pasko.

Non-showbiz guy ang kanyang lovey-dovey na nakilala niya noong kaarawan niya last July.

Pero nalaman namin na unlike Pokwang, hindi na umabot sa Kapaskuhan ang relasyon nina K at non-showbiz guy.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Napanood sa KrisTV na napaiyak na ikinuwento ni K Brosas na naghiwalay na sila ng kanyang boyfriend.

“Huwag na nating pag-usapan. Kanina lang kasi, so I’m so sorry. Pero siyempre happy pa din ako kasi kailangan kong maging masaya,” sey ni K.

Hindi raw niya akalain na matatapos agad ang relasyon nila.

“Masakit pero ganoon talaga. Hindi niya kaya, so ‘yun na lang. Pero I’m still thankful kasi after ten years na walang karelasyon, eh, kahit papaano dumaan ang isang tao sa buhay ko at napasaya naman ako. So, salamat na lang sa time,” banggit pa niya.

Inamin ni K na isa sa mga dahilan ng hiwalayan nila ang mga commitment nila.

“Wala rin naman akong regrets, wala akong galit whatsoever, wala akong bitterness. Masakit sa kung masakit pero ganoon talaga. Gusto ko magalit pero hindi,” lahad pa rin ng isa sa mga alaga ng Backroom Inc. ni Boy Abunda.

--Jimi Escala