Vhong, Alex, Rayver, Janine, Lotlot at Sweet copy

IBANG klaseng horror comedy ang Buy Now, Die Later, MMFF entry ng Quantum Films, MJM Productions, Inc., Tuko Films Productions at Buchi Boy Films, na pinagbibidahan nina Vhong Navarro, John ‘Sweet’ Lapuz, Rayver Cruz, Markki Stroem, Janine Gutierrez, Cai Cortez, TJ Trinidad, Lotlot de Leon at Alex Gonzaga sa direksiyon ni Randolf Longjas.

 

Una sa limang istorya ng Buy Now Die Later ang “Masid” episode, si Vhong ang bida na masyadong desperado dahil laging palpak ang mga kuha bilang photo journalist bukod sa napi-pressure siya dahil ikinukumpara siya sa tatay niyang magaling sa nasabing larangan.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

 

Napadaan si Vhong sa thrift shop ni TJ at inalok siya ng camera na lagi umanong scoop ang makukunan. Na-excite ang bida kaya agad niyang binili ito at nagkatotoo nga na pawang exclusive stories with photos ang nakukunan niya. Pero kalaunan ay umaayaw na siya.

 

Sa episode na “Sarap,” may-ari naman si Rayver ng mini-restaurant na gusto niyang palakasin. Kaya nakipagkasundo rin siya kay TJ para laging masasarap ang lahat ng lutuin niya.

 

Ang “Dinig” bida si Alex na kahit anong practice ang gawin ay parang ginugupit na yero ang boses, kaya laging lagpak sa lahat ng audition. Gusto ng nanay niya na maging sikat na singer siya kaya pumunta sila kay TJ para humingi ng tulong. Cellphone na may application na makakatulong sa dalaga ang ibinigay nito sa kanila.

 

Si Sweet ang bida sa “Halimuyak” at dahil palagi siyang binu-bully ng mga lalaki ay bumili siya ng pabango sa tindahan ni TJ para sa isang spray lang ay mababaliw sa kanya ang lahat ng lalaki. Pero sa maling pag-spray niya ng pabango ay nag-iba ang itsura ng mga lalaking nakakaamoy nito.

 

Si Lotlot ang huling biktima ng tindahan ni TJ sa episode na “Kanti”. Dahil gusto niyang maging bagets ay may ipinahid na magic cream sa mukha na nagiging kamukha niya si Janine, para hanapin ang anak na si Alex na nawawala.

 

Maganda ang pagkakatahi-tahi ng mga istorya dahil magkakilala ang mga taong naging biktima ni TJ. Nakakagulat ang episodes nina Vhong, Alex at Rayver samantalang comedy naman kina Sweet at kapatid nitong si Cai Cortez at si Lotlot.

 

Napapanood na ang Buy Now Die Later at makakalaban nito sa horror/comedy ang Nilalang at Haunted Mansion.

(Reggee Bonoan)