Dahil sa pagkalulong sa ipinagbabawal na gamot, nakatakdang sumailalim sa pagpapagamot si light welterweight boxer Dierry Jean.

Ang nabanggit na balita ay kinumpirma kahapon ng nangangasiwa sa mga laban ni Jean na Eye of the Tiger Management kung saan sinabi nito na sinuspinde nila pansamantala ang boksingero ngunit walang itinakdang panahon kung kailan ito maaaring bumalik.

Nabatid na nagsimulang malulong sa droga si Jean bago ang kanyang pagkatalo kontra sa dating 140 pound titlist Lamont Peterson noong Enero 25, 2014.

Itinigil naman umano ni Jean ang paggamit ng droga at mas binigyan ng pansin ang kanyang karera sa boksing.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Gayunman, muli itong bumalik sa bisyo nang matalo siya via TKO kay Terrence Crawford nito lamang Oktubre. - Bombo Radyo