Alvin, Bernadette at Atom copy

BABALIKAN ng tatlong pinagkakatiwalaang mamamahayag ng ABS-CBN ang pinakamalalaking balita ng taon sa espesyal na year-end documentary sa Linggo (Dec 27), 10:15 ng gabi.

Sa #2015Yearender, susuriin nina Bernadette Sembrano, Alvin Elchico, at Atom Araullo ang mga balitang yumanig sa bansa at mundo, kabilang na ang pagdalaw ng Santo Papa, ang engkuwentro sa Mamasapano, ang laban nina Manny Pacquiao at Floyd Mayweather Jr., at ang Miss Universe 2015 pageant.

Ipasisilip din nila ang mga pangyayari sa likod ng kamera at kung paano inihatid sa publiko ng mga mamamahayag ng ABS-CBN ang mga istoryang ito.

Gerald Anderson, gusto na raw magkapamilya?

Anu-ano nga ba ang naging epekto ng mga ito sa bansa? At ano ang mga maaaring matutuhan sa mga ito sa pagharap ng mga Pilipino sa isa na namang panibagong taon?

Huwag palampasin ang 2015 Yearender, 10:15 PM sa ABS-CBN Sunday’s Best.