PORMAL na ipinakilala sa entertainment press si Viva Boss Vic del Rosario sa Kidsmas Party ng TV5 bilang bagong chief strategist for entertainment ng Kapatid Network katuwang si Atty. Bebong Osorio na hahawak naman sa Talent Center.

Marami raw ang talents ng TV5 na nabahala nang nalaman na si Boss Vic na ang kapalit ni Ms. Wilma Galvante dahil baka raw hindi na sila mabigyan ng programa lalo’t may pool of stars ang Viva.

Pero sa nasabing party, nabanggit ni Boss Vic na kahit may sariling talents ang Viva ay hindi pa rin nila pababayaan ang contract stars ng TV5 tulad nina Derek Ramsay, Ogie Alcasid, Janno Gibbs, Jasmine Curtis-Smith at ang homegrown talents tulad nina Eula Caballero, Ritz Azul, Mark Neumann at iba pang produkto ng Artista Academy.

Sa katunayan, kasali raw ang sila sa mga bagong programang magsisimula sa 2016.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Ipinasilip din ang bagong shows sa 2016 ng TV5 tulad ng Ang Panday ni Richard Gutierrez, Bakit Manipis Ang Ulap nina Claudine Barretto at Diether Ocampo, at Tasya Fantasya na hindi pa sinabi kung sino ang bida.

Nakita rin namin si Angelica Yap aka Pastillas Girl na pumirma pala ng 5-year contract sa Viva, pero wala pa raw siyang project dahil kailangan muna niyang sumailalim sa acting workshops.

“I’m going to start with workshops daw po muna. Siyempre, hindi rin naman po ako um-acting-acting sa It’s Showtime,” sabi ni Pastillas Girl na nadiskubre naman ng It’s Showtime ng ABS-CBN.

Hmmm, hindi pala siya kinuha ng Kapamilya Network.

Anyway, ang manager pala ni Pastillas Girl ay ang manager din ni Mark Neumann na si Gio of Artista Salon na nakita naming ipinamimili sa sosyal na clothing apparel kamakailan. --Reggee Bonoan