Ni NITZ MIRALLES

Baby Z
Baby Z
CHRISTMAS gift nina Dingdong Dantes at Marian Rivera sa kanilang fans ang bagong picture ng baby nilang si Maria Letizia G. Dantes o Baby Z. Sabay nag-post ng magkaibang picture ni Baby Z sa pagsapit nito ng isang buwan ang mag-asawa na sobrang ikinatuwa ng mga nakakita.

Sa picture na ipinost ni Marian ay nakaharap at nakatingin sa camera si Baby Z at nilagyan ni Marian ng caption na, “Happy one month old Anak... Mommy and Daddy love you so much.” As of December 24, may 102, 515 likes na ang picture.

Sa picture naman na ipinost ni Dingdong ay tulog na nakadapa si Baby Z at kitang-kita ang mahabang eyelashes. Ang caption ni Dingdong ay, “Happy first month my little angel.” May 56,256 likes na ang posted pic ng daddy ni Baby Z sa kanya.

Gerald Anderson, gusto na raw magkapamilya?

Ang sunod na picture ni Baby Z na makikita natin ay ‘pag dalawang buwan na siya at hindi na makapaghintay hindi lang ang DongYan fans.