Humanay ang mga dating National Basketball Association (NBA) superstar na sina Shaquille O’Neal, Allen Iverson at Yao Ming sa mga first-time candidates para maluklok sa “Naismith Memorial Basketball Hall of Fame”.

Kasama nilang napasama sa mga kandidato para sa class of 2016 sina Michigan State coach Tom Izzo at dating women’s star Sheryl Swoopes.

Nakatakdang ihayag ang mga mapipiling finalist sa darating na Pebrero 12, 2016 sa gaganaping NBA’s All-Star weekend habang lahat ng mga maluluklok sa Hall of Fame ay malalaman sa Abril 4 sa Houston bago simulan ang US NCAA Championship game.

Naging eligible sina O’Neal at Yao para sa Hall of Fame matapos repasuhin ang eligibility procedures kung saan maaari nang maisama sa mga kandidato ang mga manlalarong nakaapat na full season ng retirement na dating limang taon. (AP)

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA