Chris copy

Kinasuhan ng isang photographer si Chris Martin na umano’y binanggi niya ng jeep noong Enero.  

Sinabi ni Pararazzo Richard Terry na binangga siya ni Martin “intentionally” at idinagdag na “pulled his vehicle hard to the right” upang mahagop siya, ayon sa court documents na nakalap ng ET Online. Idinagdag pa ni Terry na siya ay nagtamo ng “serious and irreparable” sugat bilang resulta ng aksidente.

Naiulat na ang 38 taong gulang na musician ay naghahapunan kasama sina Giorgio Baldi at Gwyneth Paltrow at dalawa nilang anak sa Santa Monica, California, noong Enero 25, nang maganap ang insidente, ayon sa ulat ng TMZ.

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

Samantala, si Martin at ang kanyang dating asawa ay tila maganda ang relasyon bilang magkaibigan, ibinahagi rin ni Paltrow nitong nakaraang linggo ang Instagram video ng kanilang anak na si Apple habang kumakanta tulad ng kanyang ama. (ET Online)