ILOILO CITY – Inaresto kahapon ang isang pulis matapos siyang magpaputok ng kanyang baril sa loob ng isang hotel sa Iloilo City.

Binaril ng Special Weapons and Tactics (SWAT) ng Iloilo City Police Office (ICPO) si PO2 Gary Catedral sa loob ng El Haciendero Hotel sa Jaro district at nagwakas ang 23-oras na standoff pasado 3:00 ng hapon kahapon.

Sinabi ni Insp. Shella Mae Sangrines, dating information chief ng Police Regional Office (PRO)-6, na sa kanang balikat lang nabaril si Catedral at agad na isinugod sa Western Visayas Medical Center.

Una nang tinangka ng mga pulis at ilang bombero na makipagnegosasyon kay Catedral para pasukin siya.

Probinsya

Lolang bibisita sa City Jail, timbog matapos mahulihan ng ilegal na droga

Pero hindi pinakinggan ni Catedral ang mga awtoridad, maging ang kanyang misis, ayon kay Chief Insp. Diane Catedral, ng Bacolod City Police Office (BCPO).

Ngunit makalipas ang maraming oras, biglang naghisterikal si Catedral at ilang beses na nagpaputok ng baril.

Nakatalaga sa Public Safety Company of ICPO, nabatid na halos isang buwan nang hindi pumapasok sa trabaho ang pulis.

Sinabi pa ni Sangrines na walang kahit sino ang nakakaalam ng problema ni Catedral. (TARA YAP)