Pokwang1 copy

INAMIN ni Pokwang na mas magiging espesyal ang pagdiriwang niya ng Pasko. Bukod kasi sa anak niyang si Mae at sa malalapit niyang kapamilya ay kapiling niya ang kasintahang si Lee O’Brien.

After a very long time, ngayon lang daw uli siya magdiriwang ng Pasko na may lovelife, huh!

“Excited siyempre ang lola n’yo kasi first time ko yata ngayon na magpa-Pasko na may lovelife. Ang saya-saya, di ba?” napatawang sabi ni Pokwang.

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

Mahigit isang taon na ang relasyon nina Pokwang at Lee kaya marami ang nagtatanong kung nagbabalak na ba silang magpakasal.

“I am really praying for that,” masayang sabi ng komedyana. “Kaya nga ‘yun talaga ang hiling ko sa Simbang Gabi.

Pero alam ko naman na darating kami diyan, huwag lang silang mainip.”

Nalaglag ang ipinagbubuntis niya ilang buwan na ang nakalilipas, kaya sumusubok daw uli silang bumuo.

Kapansin-pansing bagamat pabalik-balik sa Amerika ay matagalan ang pananatili sa Pilipinas ni Lee. Kaya may mga nagtatanong kung mananatili na rito ang foreign actor.

“Sabi niya for good, tingnan natin. Pero masaya, excited na kaming pareho. Adventure na naman sa buhay ‘to and natutuwa din ako para sa kanya dahil nakikita ko sobrang enjoy siya dito. Mahal niya ‘yung kultura natin,” seryoso pang lahad ni Pokwang.

Parehong busy sa kani-kaniyang trabaho pero nananatiling matatag ang relasyon nila, ano ang sekreto?

“Naku, may sekreto pa ba diyan? Basta trust lang sa isa’t isa. Hindi dapat mawawala ang tiwala ‘pag nakita n’yo na lang, suportahan, tiwala, gano’n,” sey ng isa sa mga kasama ni Kris Aquino sa All You Need is Pag-ibig na mapapanood na simula sa Pasko. (JIMI ESCALA)