PNOY copy

DIRETSAHAN ang pahayag ni Ms. Kris Aquino na gusto niya ang nagwaging Miss Universe 2015 na si Pia Wurtzbach noong mga panahong na-link ang beauty queen sa kapatid niyang si President Benigno Simeon “Noynoy” Aquino.

Binanggit din ni Kris na lahat silang magkakapatid ay gusto si Pia para kay PNoy.

“All of us, kaming mga sisters from before pa, we liked her nu’ng naru-rumor that they are dating. Because, one, she could’ve easily denied it. She could’ve easily denied because that was the time na ‘yung SAF, big deal, and Noy was being hit left and right but she spoke up for him.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

“Kaya sabi ko, ‘Ay, matapang itong girl na ito!’ Di ba? ‘Yun bang hindi nang-iiwan at hindi nagde-deny! Kaya good for her, bongga!” napatawa pang lahad ni Kris na gandang-ganda kami lalo nang hapong iyon na parang hindi siya nanggaling sa sakit.

Ipinaalala ng isang kasamahan sa panulat na may nabanggit na rin naman noon si Kris na gustung-gusto niya si Pia para kay Presidente.

“Oo naman, pero I don’t think she liked Noy,” pakling banggit agad ng Queen of All Media, sabay tawa.

Ipinaliwanag agad ni Kris ang dahilan kung bakit nabanggit niya ‘yun.

“No, you know why? Hindi naman sa… I think she entertained him. But the thing is, you can tell from her character, eh, single-minded. So, kinailangan, ito ang focus ko muna. Grabe naman, di ba, nangalahati ang katawan, at lahat ng training na pinagdaanan!”

Sabay na ring ibinuko ni Kris na pinadalhan ni PNoy si Pia ng bulaklak bago ito umalis ng bansa patungong Las Vegas para lumaban sa Miss Universe.

“Pero, di ba, pinadalhan ng flowers bago umalis? Gusto ko nga alamin kung nag-text, eh!” napatawang dugtong pa ng TV host/actress.

Isa si Kris sa milyung-milyong nakisaya sa pagkakapanalo ni Pia Wurtzbach bilang Miss Universe 2015. Aniya, deserving talaga si Pia na manalo sa naturang international beauty pageant.

“Magpakatoo tayo, tayo naman ‘yung maganda ang sagot, di ba? And also, I don’t know why pero ang nanalo talaga, ‘yung the one who looked different from anybody else. Lahat naman sila big hair, siya class,” sey pa ni Kris.

Ikinatuwa rin ni Kris na at least ngayon ay Pinoy ang designer ng mga isinuot ni Pia sa Miss Universe pageant.

“At least nga, ito forever, nasa history ng Miss Univese, tumatak na tayo. Sad lang talaga, ‘yung moment ‘tapos may nag-boo and all, pero that’s life,” sabay kibit balikat pa ng Queen of Talk.

“Well, when you join a competition, there will be winners, there will be losers. Thank God, tayo ang winner,” sey pa rin ng bida ng pelikulang All You Need is Pag-ibig.

Bilang isa naman sa magagaling na TV host, if not pinakamagaling, hiningi rin ang opinyon ni Kris sa pagkakamali ng host sa pag-annouce ng nagwaging Miss U.

“Well, that really happens, idi-defend ko si Steve Harvey, kasi ilang times na kaming nag- Pilipinas Got Talent, ‘tapos ilang times normally kasi ang sasabihin sa ‘yo, or i-announce mo, ‘yung winner. Siguro hindi siya na-briefing nang maayos,” sagot ni Ms. Kris. (JIMI ESCALA)