J.K copy

WALANG problema kay J.K. Rowling ang pagganap ng black actress bilang Hermione Granger.

Sinagot ng best-selling author ng Harry Potter ang iba’t ibang reaksiyon ng mga tao tungkol sa cast ng Harry Potter and the Cursed Child, ang bagong play sa London na tinatampukan ni Harry bilang adult, na inihayag nitong Lunes, Disyembre 21. Ang papel ni Hermione, na pinasikat ni Emma Watson sa film versions, ay gagampanan ng Swaziland-born actress na si Noma Dumezweni.

Ipinahayag ni Rowling sa pamamagitan ng Twitter na ang kulay ng balat ng nasabing karakter ay hindi inilarawan sa libro. “Canon: brown eyes, frizzy hair and very clever. White skin was never specified. Rowling loves black Hermione,” pahayag niya, dagdag ang kissing emoji sa huli. (AP)

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’